4 timbog sa buy-bust
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat na hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang bebot ang dinakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naares­tong mga suspek na si Maryjane Caberio, alyas Bebang, 39, Benjie Manuel, 22, Mark Jayson Lagunday, 27, pawang ng NBBS Proper, Navotas City, at Joshua Flores, 18, ng Guyabano St., Brgy Potrero, Malabon City.

Ayon sa pulisya, ala-1:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Edison Dela Cruz ang buy-bust ope­ration kontra sa mga suspek sa Gov. Pascual corner Macopa Road.  Brgy. Potrero.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer, kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang 16 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P47,000 ang halaga at buy-bust money.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with