_ngayon
^

Metro

Videoke ban sa Navotas, Maynila

Danilo Garcia, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyang ipinag-bawal na ang videoke  sa Navotas hanggang Hulyo 2021.

Ito ang sinabi ni  Navotas City Mayor Toby Tiangco kasabay ng kanyang kahilingan sa City Council  sa pamumuno ni Vice Mayor Clint Geronimo na gawing “urgent for consideration” ang ordinansang magbabawal sa videoke at malakas na pagpapatugtog  hanggang sa kalagitnaan ng 2021 o habang may online classes.

Nakasaad sa liham ni Tiangco  sa Konseho na may petsang Oktubre 5 na ipagbawal ang video­ke o pag-iingay maliban kung araw ng Linggo dahil nabubulahaw umano ang mga mag-aaral.

Gayunman, ma­a­ari namang mag-video­ke o magkasayahan kung  araw ng Linggo subalit  limitado pa rin ito mula lamang ala-1 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

Dagdag pa ni Tiangco, kailangan na magkaroon ng malasakit at pang-unawa sa lahat partikular sa mga estud­yante at guro dahil sa pagbabago ng sistema ng pagtuturo.

Aniya malaking hamon ang adjustment sa learning at teaching system kaya kailangan ang suporta ng barangay at local government unit.

Samantala, tumalima na rin ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa panawagan ng Philippine National Police (PNP) nang magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagbi-videoke tuwing araw upang hindi makaistorbo ang ingay sa mga batang nasa ‘online class’ at mga nagwo-work-from-home na empleyado.

Nilagdaan ni Mayor Isko Moreno ang Ordi­nance No. 8688 na nagbabawal sa paggamit ng karaoke at videoke machines mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado.

Sinabi ng alkalde na minabuti niyang agad na umaksyon makaraan na makatanggap na ng reklamo mula sa mga magulang ng mga batang naiistorbo ng ingay ng mga kapitbahay nang mag-umpisa na ang pasukan sa mga pampublikong paaralan nitong Lunes.

Ang mga lalabag  dito ay papatawan ng mul-tang P1,000 sa unang pag­labag, P2,000 sa ikala­wa at P3,000 sa ikatlo at higit pang pagkakataon ng pagsalu-ngat sa ordinansa.

VIDEOKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with