^

Metro

Muntinlupa LGU, may pa-loan sa negosyo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpapaluwal ng kapital sa negosyo ang Muntinlupa para sa mga negosyante sa lungsod.

Ito ay sa ilalim ng  prog­ramang ‘Tulong Negosyo’  na para sa MSMEs o Micro, Small, and Medium Enterprises MSMEs na may ka­tegoryang ‘Simulang Kapital Pangkabuhayan’ (Sikap) na mula P2,000-P5,000, Asenso Loan Program na mula P6,000-P75,000, at Maunlad Loan Program na P75,000 – P150,000.

Dagdag pa rito ang isang Savings Program na isinama sa loan assistance upang turuan ang mga kliyente tungkol sa kahalagahan ng pag-ekonomiya at magsilbing proteksyon sa mga kliyente at programa.

Isinasagawa rin ang edukasyong pangnegosyo sa pamamagitan ng mga pagsasanay at iba pang kaugnay na interbensyon.

Dahil sa pandemya, ang ‘Tulong Negosyo’ ay idinaraan sa online application services at cashless repayment system sa pamamagitan ng Smart Padala at G-Cash.

Ang panahon sa pagbabayad ng utang ay pinalawig pa ng 3 buwan para sa mga kliyenteng may existing loans mula Marso hanggang Hunyo 2020, upang matulungan sa mga panahong hindi kumita ang kanilang negosyo dahil sa pandemya.

Sa nais maka-avail, bisitahin lang ang Joint Resources Financing Program – JRF Facebook Page o i- click ang mga links na New Applications - bit.ly/TulongNegosyoNew, at Renewal bit.ly/TulongNegos­yoRenewal.

Matatagpuan naman ang Muntinlupa Joint Resources Financing Program is located at 2F Plaza Central, Brgy. Poblacion na may contact numbers 8772-3457at (0921) 888 6124.

MSMES

MUNTINLUPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with