_ngayon
^

Metro

Cardinal Tagle nagmisa na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Cardinal Tagle nagmisa na
Taimtim na nakikinig ang mga deboto kay Cardinal Luis Antonio Tagle sa kanyang ­unang misa sa Manila Cathedral kahapon matapos gumaling sa COVID-19.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nakapagdaos na ng kaniyang unang misa si Cardinal Luis Antonio Tagle makaraan ang kaniyang paggaling sa COVID-19, sa Manila Cathedral nitong Linggo.

Sa kaniyang homily, pinayuhan niya ang mga Katoliko na huwag ituring na walang silbi ang mga hindi kanais-nais na pangyayari at sa halip ay hanapin ang pakinabang nito.

Tinutukoy ni Tagle ang pagbubuntis ng wala sa oras at ang pag-aalaga sa mga nakatatanda.

Noong Pebrero, sa Manila Cathedral din huling nagmisa si Tagle bago magtungo sa Vatican City upang gampanan ang bago niyang posisyon bilang prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples.

Nadiskubreng positibo sa COVID-19 ang Cardinal nang dumating sa Maynila mula sa Vatican nitong Setyembre 10. Matapos na sumailalim sa ‘isolation’, inihayag ang kaniyang paggaling nitong Setyembre 23.

Si Tagle ang kauna-unahang pinuno ng Vatican dicastery na nahawa ng virus.

COVID-19 LUIS ANTONIO TAGLE MISA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with