Metro Manila mayors magkakansela ng Christmas party
Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, kasama sina PAGCOR Vice President Jimmy Bondoc at Amarrilo Acosta, country manager ng FBM Technology Solutions ang pamamahagi ng mga relief packs sa mga residente sa lungsod. Ang mga relief packs ay buhat sa FBM Global Gaming Brand at sa PAGCOR.
Michael Varcas
Metro Manila mayors magkakansela ng Christmas party
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang magpalabas ng kautusan ang mga alkalde sa Metro Manila para sa kanselasyon ng sari-saring Christmas party sa lokal na pamahalaan dahil sa patuloy na banta ng pandemya sa kalusugan ng publiko.

Sinabi ni Metro Manila Council head at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na hindi na prayoridad ang naturang mga pagtitipon ngayong panahon na nakatutok pa rin ang pamahalaan kung paano malalabanan ang pagkalat ng virus.

“Siguro po bawat isa po sa amin, magkakaroon ng memorandum sa lahat po ng ating mga departments pati mga nasasakupan na iwasan po talaga yung gathe­rings nitong kapaskuhan,” ayon kay Olivarez.

Kahit na ilagay umano ang Metro Manila sa mas maluwag na ‘modified general community quarantine (MGCQ), mahigpit pa ring ipagbabawal ng mga lokal na pamahalaan ang pagtitipon ng mara­ming tao.

Mag-iisyu umano siya ng memorandum para sa lahat ng kanilang departamento sa Parañaque City Hall ukol sa kanselasyon ng mga Christmas party.

Magugunitang una nang nagpatupad ng kanselasyon ng Christmas party si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa lahat ng tanggapan ng Quezon City Hall kung saan ang matitipid na pondo para sa kasiyahan ay ibibigay na lamang bilang tulong sa mga pinakamahihirap na residente ng siyudad.

MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with