Traslacion ng Nazareno, pinag-aaralang kanselahin!
Sinabi ni Father Douglas Badong, ang vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church, na ngayon pa lamang ay pinag-aaralan na nila kung paano maidaraos ng ligtas ang kapistahan ng Quiapo na dinadagsa ng milyun-milyong deboto ng itim na Nazareno.
STAR/ File
Traslacion ng Nazareno, pinag-aaralang kanselahin!
(Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan nga­yon ng pamunuan ng Quiapo Church ang pagkansela sa darating na Enero sa tradisyon na Traslacion 2021 dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Sinabi ni Father Douglas Badong, ang vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church, na ngayon pa lamang ay pinag-aaralan na nila kung paano maidaraos ng ligtas ang kapistahan ng Quiapo na dinadagsa ng milyun-milyong deboto ng itim na Nazareno.

Ang Traslacion ang isa sa itinuturing na pinakamalalaking relihiyosong aktibidad sa bansa.

Kabilang sa mga ikinukonsiderang panukala ay ang kanselasyon ng prusisyon sa Rizal Park na isinasagawa tuwing Enero 9.

“Sa ngayon po ay talagang nag-uusap-usap na kami ng proposal sa procession committee na idudulog namin sa IATF (Inter-Agency Task Force). Kung papayagan ng IATF na following all the protocols, ‘yun ang gagawin namin. Pero naka-set na rin naman kami na posibleng wala talagang Luneta event ngayon,” ayon kay Badong.

Tuloy naman ang pagdaraos ng misa sa Quiapo church sa Pista ng Itim na Nazareno ngunit kailangang mahigpit na sundin ng mga deboto ang panuntunan sa ‘physical distancing’.

Umaasa ang simbahan na magiging bukas ang mga deboto sa mga gagawing pagbabago dahil para na rin ito sa kanilang kaligtasan laban sa virus.

BLACK NAZARENE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with