Curfew sa Metro Manila, balak alisin na!
Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, hindi lamang ang health protocol ang kailangang sagarin kundi maging ang ekonomiya kaya ikinokonsidera na nila ang pagtanggal sa curfew.
The STAR/Miguel de Guzman, file
Curfew sa Metro Manila, balak alisin na!
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ang pagtanggal ng curfew sa Kalakhang Maynila, ayon kay Metro Manila Council Chairperson at Parañaque Mayor Edwin Olivarez.

Ayon kay Olivarez, hindi lamang ang health protocol ang kailangang sagarin kundi maging ang ekonomiya kaya ikinokonsidera na nila ang pagtanggal sa curfew.

“Ang ginagawa po ngayon ng atin pong mga LGU, hindi lang po iyong ating health protocol, kasi kailangan sagarin po natin iyong ating ekonomiya. So, doon na rin po papunta iyon pong mga strategy ng atin pong mga siyudad na pagbubukas po ng ating economy without compromising iyong healthcare po natin. Kaya nga po pinag-uusapan po natin ngayon, pero wala pa hong final po iyan, iyong tungkol po sa curfew, iyong tungkol sa curfew natin,” ani Olivarez sa Laging Handa online press briefing.

Sa kasalukuyan ay ipinatutupad pa rin ang unified curfew sa buong Metro Manila na mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Idinagdag ni Olivarez na bahagi rin ng pagbubukas ng ekonomiya ang 24-oras na delive­ries ng mga food chain at mga restaurant para tumakbo ang mga ne­gosyo at isusunod na pag-uusapan ang tuluyang pagtanggal ng curfew.

“Binuksan na rin po natin sa Metro Manila iyon pong delivery na puwedeng mag-24 hours para po iyong atin pong negosyo ay tumakbo naman po. Pero sa mga susunod na pagpupulong po namin ng atin pong Metro Manila Mayors, ng MMC, ang pag-uusapan po iyong curfew po,” ani Olivarez.

Idinagdag din nito na titiyakin na hindi mako-compromise ang health protocols sakaling tuluyang tanggalin ang curfew.

CURFEW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with