Libreng mass swab testing, inilarga na sa Maynila
Sa Executive Order No. 39, inatasan ni Moreno ang Manila Health Department na magbigay ng libreng swab tests makaraang buksan ang ikalawang molecular laboratory ng siyudad sa Sta. Ana Hospital.
Edd Gumban, file
Libreng mass swab testing, inilarga na sa Maynila
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinag-utos  na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagsasagawa ng libreng mass testing para sa mga vendors sa mga palengke, mga tsuper at iba pang establisimiyento sa lungsod.

Sa Executive Order No. 39, inatasan ni Moreno ang Manila Health Department (MHD) na magbigay ng libreng swab tests makaraang buksan ang ikalawang molecular laboratory ng siyudad sa Sta. Ana Hospital.

Bukod sa vendors at drivers, isasailalim din sa COVID-19 swab tests ang mga empleyado ng mga malls; staff ng mga hotel; trabahador ng mga restoran; pedicab, e-trike, jeep at bus drivers.

“The real threat of COVID-19 will continue to persist in our community, thereby sending fear to every person of getting infected with it. This fear will affect not only the individual preferences and behavior or every person, but also the economic growth (of the city),” ayon kay Moreno.

Upang maampat ang pangamba ng publiko, kailangan umano na matiyak ang publiko na ligtas ang mga empleyado ng mga establisimiyento na  kanilang pinupuntahan partikular ang mga pamilihan at ligtas din sa virus ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan.

Umabot na umano sa 27, 280 ang mga indibiduwal na naisailalim ng Pamahalang Lungsod sa RT-PCR tests habang nasa 71, 258 naman ang nabigyan ng libreng ‘serology antibody testing’.

Ipinagmalaki ng alkalde ang bagong bukas na molecular laboratory na kayang magproseso ng 1,000 swab tests kada araw. Dahil dito, tumaas ang kapabilidad ng Sta. Ana Hospital na magproseso ng hanggang 30,000 swab tests kada araw.

Naitayo ang laboratoryo sa tulong ng Ayala Group of Companies na naglaan ng P8.5 milyon, donasyon mula sa Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM) na kinabibilangan ng dalawang Daan Natch CS Extraction Machines.

ISKO MORENO SWAB TEST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with