^

Metro

4 ‘tulak’ timbog sa P.8 milyong shabu at baril

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang apat na drug suspect kasabay sa pagkakumpiska sa P.8 milyon halaga ng shabu at baril sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Matapos ang dalawang linggong surveillance ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) nadakip sina Reynaldo Mabbun, 47 at Michelle Concepcion, 42; Oliver Edoria, 38, at Josephus Jadraque, 36.

Ayon kay NPD Director P/Brig. Gen. Rolando Ylagan, ang operation laban sa mga suspek ay batay sa intelligence report na ibinigay ng Intelligence team ng NPD at Eastern District Intelligence Team ng Regional Intelligence Unit ng NCRPO hinggil sa ilegal na aktibidades ng isang alyas Ronald, na kalaunan ay nakilala bilang si Reynaldo Mabbun.

Dakong alas-11:50 ng gabi nang isagawa ang operasyon sa bahay ni Mabbun sa San Diego St. na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober ng mga operatiba ang aabot sa 30 gramo ng shabu mula sa mga suspek na tinatayang nasa P884,000,00 ang halaga, cal. 357 Magnum Smith at Wesson revolver na kargado ng 5 bala, ilang drug paraphernalia, marked money na binubuo ng 2 piraso tunay na P1,000 bill at 10 piraso boodle money, 2 cellphone at P1,400 drug money.

Nabatid na  ang mga suspek ay dati nang sangkot sa  illegal drug operation sa ilang lugar sa Metro Manila.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with