Extension ng GCQ, inirekomenda ng Metro Manila mayors
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, sa isinagawang pulong nitong Linggo ng gabi ng Metro Manila Council (MMC), kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF), inilatag ang rekomendasyon.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon
Extension ng GCQ, inirekomenda ng Metro Manila mayors
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

Sa buong buwan ng Oktubre

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Metro Manila mayors ang ekstensiyon o pagpapalawig pa ng general community quarantine (GCQ) status sa National Capital Region (NCR) para sa buong buwan ng Oktubre.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, sa isinagawang pulong nitong Linggo ng gabi ng Metro Manila Council (MMC), kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF), inilatag ang rekomendasyon.

Inihayag naman ni Zamora na bagama’t inirekomenda nila ang GCQ extension hanggang katapusan ng Oktubre, ang pinal na desisyon pa rin dito ay nasa kamay ni Pang. Rodrigo Duterte.

Inaasahan namang iaanunsiyo ng Pangulo ang desisyon hinggil sa susunod na quarantine status sa bansa.

Sinabi rin ni Zamora na may mga mungkahi rin na buksan pa lalo ang ekonomiya sa NCR upang mabawasan ang epekto ng pandemic dito.

“It is not anymore a question of health or the economy, but the focus is now health and the economy,” aniya pa.

“Even if we retain the GCQ status, it is possible to still slowly increase the operational capacity, meaning, the number of employees that can work, the number of customers that establishments can allow to enter. So these are the guidelines that are now being prepared for,” aniya pa.

 

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with