Gamit na PPEs, masks at gloves kumalat sa EDSA
Ang mga nasamsam na nagkalat na face masks, gloves, PPEs at iba pang disposable medical waste sa may northbound lane ng EDSA malapit sa White Plains Avenue sa Quezon City. Inaalam na ng MMDA kung sino ang responsable sa nagkalat na mga hazardous materials.
Kuha ni Miguel de Guzman
Gamit na PPEs, masks at gloves kumalat sa EDSA
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa anim na bag ng basura na may lamang mga gamit na face masks, gloves, at personal protective equipment (PPE), ang nakitang nagkalat sa kahabaan ng EDSA, malapit sa White Plains Avenue sa Quezon City,  kahapon ng madaling araw.

Pasado alas-5:00 ng madaling araw nang magmistulang basurahan ang EDSA dahil sa natagpuang mga garbage bags, na ang mga laman ay kumalat sa kalsada.

Bukod sa mga gamit ng masks, gloves at PPEs, mayroon ding mga used diapers, mga bote ng mineral water, plastic cups, mga papel at mga used tissue na nakahambalang sa northbound lanes ng pangunahing kalsada.

Inabot pa ng mahigit isang oras bago dumating ang mga street sweeper ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at nilinis ang mga basura kaya’t napilitan na lamang ang mga motorista na iwasan ang mga ito upang hindi na masagasaan ang mga ito at lalo pang kumalat sa kalsada.

Pasado alas-7:15 naman ng umaga nang malinis ang kalsada mula sa mga basura ng mga street sweepers, sa tulong ng mga barangay personnel.

Samantala, tiniyak naman ni MMDA EDSA Traffic Management chief Bong Nebrija na inaalam na nila kung sino ang responsable sa mga nagkalat na basura, matapos na hindi ito makuhanan ng kanilang CCTV cameras. 

EDSA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with