Suspensyon ng 5 brgy. chairman, ipinatupad ni Yorme
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinatupad na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang kautusan ng Office of the Ombudsman sa suspensyon ng limang barangay chairman sa lungsod dahil sa sari-saring kasong kanilang kinakaharap.

Sinabi ni Moreno na suspendido ng anim na buwan ang naturang mga punong-barangay na walang suweldo base sa kautusan ni Ombudsman Samuel Martires.

Kabilang sa mga sinuspinde sina: Barangay 123 Chairman Mario Banal na nahaharap sa mga kasong ‘grave misconduct, conduct prejudicial to the interest of the service, abuse of authority at gross dishonesty; Barangay 449 Chairman Romeo Garcia dahil sa kasong ‘grave misconduct, dishonesty at conduct unbecoming of public official; at Barangay 418 Chairman Jonas Bartolome na may mga kasong ‘grave misconduct, serious dishonesty at abuse of authority.  

Sinuspinde naman sina Barangay 11 Chairman Leonard Recto at Barangay 283 Chairman Nino Anthony Magno habang sumasailalim sa imbestigasyon sa reklamo ni Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino.

Humalili sa kanila bilang pansamantalang chairman ang kani-kanilang mga 1st kagawad habang umiiral ang suspensyon.

Ipinadala ng Office of the Ombudsman ang suspension order laban sa mga barangay chairman para sa agarang implementasyon. Agad namang naglabas si Moreno ng memorandum at ipinatupad ang kautusan.

 

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with