Lumabag sa ‘quarantine’ pumalo sa 424K
MANILA, Philippines — Inihayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lt. General Guillermo Eleazar na pumalo na sa 424,000 ang naitalang lumabag sa quarantine protocols.
Ayon kay Eleazar, araw-araw nagsasagawa ng monitoring ang mga pulis at kumukuha ng report sa lahat ng police stations.
“After ma-booking, binibigyan sila ng ordinance violation receipt at pinapauwi na. At sa takdang panahon, dapat magbayad sila ng penalty in accordance with the provision ng ordinansa,” ani Eleazar.
Dagdag din nito na kung hindi magbabayad ng kaukulang multa maaaring maghain ng kaso at magkaroon ng warrant of arrest ang mga lumabag.
Hinimok naman ni Eleazar na sumunod sa health protocols upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.
- Latest