^

Metro

Higit P.6 milyong halaga ng shabu nasamsam sa drug ops

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Higit P.6 milyong halaga ng shabu nasamsam sa drug ops
Dakong alas-10:45 ng gabi kamakalawa, nang arestuhin ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Las Piñas City Police Station sa Sampaguita St., Brgy. Almanza Uno, Las Piñas ang mga suspek na kinilalang sina Ma Xinglian, 25, negosyante; Tang Chua, kapwa nanunuluyan sa Cote de azure Hotel No 5 sa Don Gregorio, Almanza uno, Las Piñas City; Nestor Vivas, 36; Charicel Toledo, 36, therapist; at Mark Anthony Vivas, 39, pawang residente ng GM Homes, Almanza uno, Las Piñas City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ang walong indibiduwal kabilang ang dalawang Chinese nationals na nakumpiskahan ng mahigit P600,000  halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operations sa Las Piñas , Muntinlupa at Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Dakong alas-10:45 ng gabi kamakalawa, nang arestuhin ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng  Las Piñas City Police Station  sa Sampaguita St., Brgy.  Almanza Uno, Las Piñas ang mga suspek na kinilalang sina Ma Xinglian, 25, negosyante; Tang Chua,  kapwa nanunuluyan sa  Cote de azure Hotel No 5 sa Don Gregorio, Almanza uno, Las Piñas City; Nestor Vivas, 36; Charicel Toledo, 36, therapist; at Mark Anthony Vivas, 39, pawang residente ng GM Homes, Almanza uno, Las Piñas City.

Nasamsam sa mga suspek ang 19.4 gramo ng shabu na may street value na P131,920.00, marked money at drug paraphernalia.

Una ito, dakong alas- 4:40 ng hapon  nang maaresto naman ng Muntinlupa Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) ang isang Dexter Casan, 20, ng Taguig City na nasamsaman ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00 halaga ng shabu Lakefront, Sucat , Muntinlupa City.

Samantala, sa Pasay City naman ay nasa P211,820.00 halaga ng shabu ang nakuha sa target ng buy-bust operation na sina Alexis Falcunit , 39; at  Jover Concepcion, 27 , kapwa residente ng Petunia St., Brgy. 184, Zone 19, Pasay City.

Dakong alas-8:15 ng gabi  nang kumagat sa pain ang mga suspek. Napagbilhan nila ang tauhan ng Pasay Police na nagsilbing poseur-buyer  kung saan nasamsam sa kanila ang 31.15 gramo ng shabu.

vuukle comment

SDEU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with