Pabaya na brgy. captains âitotokhangâ
Ang babala ay gi­na­wa ni Wilkins Villanueva base na rin sa kanilang la-test report kung saan 14,171 o 33.70 percent ng 42,045 barangay sa bansa ang nanana-tiling apektado ng ille­gal drugs.
pna.gov.ph/Jigger J. Jerusalem
Pabaya na brgy. captains ‘itotokhang’
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isasailalim sa ‘‘Oplan Tokhang” ang mga barangay captains na hindi tumutugon sa kampanya ng pama-halaan laban sa ilegal na droga.

Ito ang ibinabala ni PDEA director gene­ral Wilkins Villanueva.

Ang babala ay gi­na­wa ni Villanueva  base na rin sa kanilang la-test report kung saan 14,171 o 33.70 percent ng 42,045 barangay  sa bansa ang nanana-tiling apektado ng ille­gal drugs.

Nasa kabuuan namang 20,165 barangay sa buong bansa ang nalinis na sa ilegal na droga sa pagsisimula nang panunungkulan ni Pangulong Duterte.

Idinagdag pa ni Villanueva na nakatuon ang kanilang paningin sa mga nagpapa­ba­yang barangay officials lalo na ang hanggang sa ngayon ay hindi nagtatatag ng ka­nilang barangay anti-drug abuse councils (BADACs) na isang   ma­halagang aksyon para malabanan ang ilegal na droga.

Sinabi naman ni  PNP chief General Ca­milo Cascolan, posib­leng magamit nga uli ang salitang ‘Tokhang’ o ‘Toktok Hangyo’ na ito ay isang community relations activity na naglalayong himukin lamang ang mga kapitan ng barangay na tumulong sa war on drugs ng pamahalaan.

Giit pa ni Cascolan, dapat lamang na mu-ling maging aktibo ang mga barangay officials sa pamamagitan nang pagbuhay sa  BADAC.

Aniya, irerekomenda niya ito kay Interior Secretary Eduardo Año upang kalampagin  ang mga barangay chairman na tumulong sa paglaban sa droga sa kanilang barangay.

Inamin naman ni Villanueva na nagkaro­on ng pagbagal ang drug clearing programs ng LGUs dahil sa nakasen­tro ang bansa sa paglaban sa COVID-19.

Sinabi nito na ang ahensiya ay nakikipag- ugnayan na sa  PNP para masentro ang kanilang operasyon  sa paglaban sa  illegal drugs sa barangays. Angie dela Cruz

OPLAN TOKHANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with