Trending na â#DropYourBeautifulDaughterâ challenge, mapanganib
“We call on parents and guardians to be at the forefront of fulfilling the right of children to be protected from online sexual abuse and exploitation by using social media responsibly and teaching children the proper and safe use of the Internet,” pahayag ni Atty. Alber-to Muyot, chief Executive officer ng Save the Children Philippines.
AFP/File
Trending na ‘#DropYourBeautifulDaughter’ challenge, mapanganib
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2020 - 12:00am

Child advocacy group nagbabala

MANILA, Philippines — Nagbabala ang  Save the Children Phi-l­ip­­pines sa mga magulang sa pagpo-post ng mga anak sa pamosong uso ngayon sa Facebook na ‘#Drop YourBeautifulDaughter’  challenge.

Ayon sa naturang grupo, bagama’t hindi naman malaswa ang pagpo-post ng mga  magulang sa anak nilang babae dito, maaari naman itong sa­mantalahin ng mga sexual predator.

“We call on parents and guardians to be at the forefront of fulfilling the right of children to be protected from online sexual abuse and exploitation by using social media responsibly and teaching children the proper and safe use of the Internet,”  pahayag ni Atty. Alber-to Muyot,  chief  Executive officer ng Save the Children Philippines.

Anya, habang proud  ang mga magulang sa kanilang mga anak at gustong ipakita ang magaganda nilang la-rawan ay kailangang maging maingat silang ilagay sa mga online challenges para hindi makaapekto sa kanilang kapakanan.

Nitong nagdaang  araw ay trending sa social media ang ‘#Drop­YourBeautifulDaughter’ challenge kung saan  ipinopost o isineshare ng mga magulang ang mga litrato ng kanilang mga naggagandahang mga anak sa social media.

Hinimok ng natu-rang grupo ang mga magulang na samantalahin ang lockdown para turuan ang mga anak sa tamang proteksyon laban sa mga panganib sa internet.

Sa pag-aaral ng Wa­shington-based organization Internatio-nal Justice Mission (IJM) nitong Mayo naging global hot spot na ang Pilipinas para sa online child sexual exploitation.

CHILDREN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with