3 sa ârent-sanglaâ modus, arestado
Kinilala ni P/Major Rosalino Ibay Jr. Hepe ng SMaRT-Anti Carna-ping Unit, ang tatlong nadakip na sina Rosario Capulong; Ronaldo Capulong, 54; at si Necita Torres, 48, pawang mga nakatira sa Teachers Village, Quezon City.
STAR/ File
3 sa ‘rent-sangla’ modus, arestado
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang tatlong hinihinalang karnaper na sangkot sa modus na ‘rent-sangla’ sa isang operasyon ka­ma­kalawa ng hapon sa Ermita, Maynila.

Kinilala ni P/Major Rosalino Ibay Jr. Hepe ng SMaRT-Anti Carna-ping Unit, ang tatlong nadakip na sina Rosario Capulong; Ronaldo Capulong, 54; at si Necita Torres, 48, pawang mga nakatira sa Teachers Village, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, nadakip ang tatlo sa ikinasang operasyon dakong alas-3 kama-kalawa sa loob ng YMCA Building  sa may A. Villegas Street, Ermita, sa Maynila.

Nabatid na naga-wang makipagtransak­syon ng asset ng pulisya sa mga suspek ukol sa pagbili ng isang sasak-yan na may pekeng mga dokumento.  Dito ikinasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlo makaraang magkaabutan ng boodle money.

Narekober sa ope­ras­yon ang isang silver Toyota Innova 2019, mga pekeng Official   Receipt at Certificate of Registration (OR/CR) para sa na­turang sasakyan;  isang pulang To­yota Wigo 2017 at dalawang identification cards.

Ayon kay Ibay, ni­ren­­­tahan o kaya ay isi­nasanla lamang sa mga suspek ang mga natu-rang behikulo na pinipeke nila ang mga dokumento bago ilegal na ibinibenta. Nagbabala si Ibay sa mga bibili ng mga ganitong sasakyan na mananagot din sila sa oras na mapatunayan na karnap ang kanilang biniling behikulo sa ila-lim ng Anti-Fencing Law.

Nakaditine na ang mga suspek sa MPD-SMaRT custodial jail at na­haharap sa kasong Car­napping at sa Article 316 ng Revised Penal Code (Other forms of swindling) sa Manila City Prosecutor’s Office.

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with