Ilang U-turn slots sa EDSA isasara
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang ipasa­ra ng Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) ang ilang U-turn slots sa EDSA para bigyang daan ang maayos na daloy ng EDSA Busway project.

Una nang ipinasara nitong Lunes ang U-turn slot sa southbound at northbound sa may EDSA malapit sa Trinoma Mall at North Ave­nue.

Kabilang din sa mga planong ipasara ay ang: De Jesus, Gen. Tinio, Malvar, at Biglang-Awa sa Caloocan City; Balin-tawak, Kaingin, Landers, Dario Bridge, Walter Mart, Quezon City Aca-demy, Trinoma, Timog, at Santolan sa Quezon City.

Maglalagay naman umano ang MMDA ng mga ‘directional traffic signs’ para maging gabay sa mga motorista na regular na gumagamit ng naturang mga U-turn slots.

“Closure of the U-turn slots will be done gra-dually. Traffic advisories will be installed within the affected areas to inform the motorists and commuting public of any change,” ayon kay MMDA Chairman Danny Lim.

Sinabi niya na ang pagsasara ng mga U-turn slot ay magdudulot ng mas mabilis na biya­he sa EDSA Busway at higit na makikinabang ang mga mananakay kung mapapababa pa ang oras ng kanilang biyahe. 

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with