19 barangay sa Quezon City, kinilala sa maayos na pagtugon sa COVID-19
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2020 - 12:00am

QUEZON CITY, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagkakaloob ng parangal sa 19 na barangay ng lungsod dahil sa maayos na pagresponde sa kanilang komunidad sa panahon ng  COVID- 19 pandemic.

Ang parangal ay ginanap sa pagdiriwang  ng ika-25 Barangay Day ng Quezon City kung saan kinilala ang husay at dedikasyon ng mga opisyal ng bara-ngay para sa mabilis at maayos na pagtugon sa pangangailangan ng kanilang nasasakupan.

Sa ‘Race to Zero’ ng COVID-19, kinilala ang mga barangay ng Sauyo at Fairview para sa Large Barangay Category habang ang mga barangay Sangandaan at Sauyo para sa Medium Cate­gory at mga barangay Sikatuna Village, Quirino 3B at Dikno Zobel para  sa Small Category.

Ang naturang mga  ba­rangay ang nakapag-tala ng mas mababa sa 85 kaso ng COVID-19.

Tinanghal naman ang mga barangay ng Siena, Batasan Hills, Quirino 3A, Mariana, Greater Lagro at New Era bilang mga Galing ng Barangay sa Pagpapatupad ng Disip­lina o Best Practices on Law Enforcement and Discipline.

Iginawad naman ang Galing ng Barangay sa Pagpapatupad ng Ayudang Pinansiyal o Best Practices on Financial Assistance  sa Barangay Bungad, Batasan Hills, Pansol, San Isidro, Galas, Novaliches Proper at Talipapa.

Ayon kay Mayor Belmonte, hamon ang parangal na ito sa iba pang mga barangay upang dagdagan nila ang pagsisikap na maibaba ang kaso ng Covid-19 sa kanilang mga komunidad.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with