6 bahay tupok sa nag-overheat na charger
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, dakong alas-10:13 ng gabi nang unang sumiklab ang apoy sa tatlong palapag na bahay sa may O-este Alvarez, Brgy. 267 Zone 24 Tondo, ng naturang lungsod. Nabatid na pag-aari ng isang Silahis Pichay at ng kaniyang pamilya ang naturang bahay.
Philstar.com/File
6 bahay tupok sa nag-overheat na charger
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 15 pamilya ang nawalan ng kanilang tahanan makaraang matupok sa sunog ang nasa anim na kabahayan na hinihinalang dahil umano sa naiwan na charger na nakasaksak sa plug ng mahabang oras, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, dakong alas-10:13 ng gabi nang unang sumiklab ang apoy sa tatlong palapag na bahay sa may O-este Alvarez, Brgy. 267 Zone 24 Tondo, ng naturang lungsod. Nabatid na pag-aari ng isang Silahis Pichay at ng kaniyang pamilya ang naturang bahay.

Umakyat sa unang alarma ang sunog dakong alas-10:15 ng gabi at umabot sa ikatlong alarma dakong alas-10:45 ng gabi. Nagawang tuluyang maapula at magdeklara ang BFP ng fire out dakong ala-1:20 na ng madaling araw kung saan 25 trak ng bumbero ang rumesponde.

Masuwerteng walang naiulat na nasawi sa insidente ngunit nagtamo ng sugat sa kaniyang kanang sentido ang 30-anyos na si Catalino Masangkay.

Sa inisyal na pagtataya ng BFP, nasa humigi’t kumulang P300,000 umano ang halaga ng ari-ariang natupok.

Blangko pa naman ang mga imbestigador sa sanhi ng sunog ngunit may hinala na koneksyong elektrikal ang pinagmulan nito. May ulat kasi ang may-ari ng bahay na unang natupok na may naiwan na charger ng cellular phone na matagal na nakasaksak.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with