^

Metro

Ex-player ng UP Maroons, 4 pa huli sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ex-player ng UP Maroons, 4 pa huli sa droga
Kinilala ang mga nadakip na sina Kevin Rea Astorga, na naglaro sa UAAP noong 2007 sa team ng UP Maroons; Agustin Deulexandre Montejo, Jericho ­Tumagan; Karen Vidanes Salvahan at Miguel Carlos Mojares.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng PDEA ang isang dating  basketball player ng UP Maroons   at apat na iba pa  sa isinagawang pagsalakay sa isang drug den sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nadakip na sina Kevin Rea Astorga,   na naglaro sa UAAP noong 2007 sa team ng UP Maroons;  Agustin Deulexandre Montejo, Jericho ­Tumagan;  Karen Vidanes Salvahan at Miguel Carlos Mojares.

Sa ulat ng PDEA, dakong alas-12:15 ng madaling araw nang salakayin nila ang JEMP Building  sa BF Homes, Parañaque City.

Sinabi ni PDEA-NCR Southern District Office Head Jill Salamanca, matagal nilang isinailalim sa  surveillance ang grupo ni Astorga at nang makumpirma ang ilegal na gawain ay isinagawa ang raid sa sinasabing drug den na nagresulta ng pagkakadakip sa mga suspek.

Nakuha ng mga awtoridad sa mga suspek ang 150 grams ng Kush o marijuana, self sealing sachets na umano’y naglalaman na hinihinalang cocaine, ibat-ibang drug paraphernalia at dalawang cellphone. Nakakulong ngayon ang mga suspek sa PDEA detention cell at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with