^

Metro

Kotse nadaganan ng cement mixer truck: Mag-iina sugatan

Rey Galupo - Pilipino Star Ngayon
Kotse nadaganan ng cement mixer truck: Mag-iina sugatan
Nakilala ang mga biktima na sina Sharon Sy, ang kanyang anak na si Danica, 20 at Lanlan Rafael.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang ginang at dalawa niyang anak kabilang ang isang 4-anyos na batang lalaki makaraang madaganan ang kanilang sasakyan ng isang cement mixer truck, sa Caloocan City.

Nakilala ang mga biktima na sina Sharon Sy, ang kanyang anak na si Danica, 20 at Lanlan Rafael.

Nabatid sa ulat na lulan ang mag-iina sa kanilang pulang Hyundai Velester at bumabaybay sa intersection ng 10th Avenue at A. De Jesus St.,  Brgy. 104 kung saan paparating naman ang rumaragasang mixer truck na may plakang ZKT-803. Dahil sa sobrang bilis ng takbo, tuluyan itong tumagilid at bumagsak sa mismong sasakyan ng mag-iinang biktima.

Mabilis na tumakas ang driver at helper ng mixer truck matapos ang naganap na aksidente, habang agad namang hinila sa loob ng kanilang sasakyan ang mga biktima at isinugod sa pagamutan.

Nakikipag-coordinate na rin ang pulisya sa Land Transportation Office para matukoy ang may-ari ng truck at makilala ang driver nito.

vuukle comment

REY GALUPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with