âWhite sandâ sa Manila Bay dinumog
Alas-5:30 pa lamang ng madaling araw kahapon nang mag-umpisang bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar dahil sa pagdating ng daan-daang tao na nais masilayan ang kontro­bersyal na ‘white sands’ na umano’y maaaring makatulong para sa ‘mental health’ ng publiko ngayong pandemya.
STAR/ File
‘White sand’ sa Manila Bay dinumog
Doris Franche, Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

Social distancing ‘di nasunod

MANILA, Philippines  — Muling dinagsa ng publiko ang ‘Manila Bay Sand’ sa ikalawa at hu­ling araw ng pagpapakita nito sa publiko nitong Linggo bago muling isara at ipagpatuloy ang pagdebelop nito.

Alas-5:30 pa lamang ng madaling araw kahapon nang mag-umpisang bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar dahil sa pagdating ng daan-daang tao na nais masilayan ang kontro­bersyal na ‘white sands’ na umano’y maaaring makatulong para sa ‘mental health’ ng publiko ngayong pandemya.

Ngunit dahil sa rami ng tao, hindi na naipatupad ang isang metrong physical distancing nang magsiksikan ang mga tao sa overpass at entrada ng Manila Bay Sand dahil hanggang 50-70 tao lamang ang pinapapasok kada 3-5 minuto.

Bunsod nito, sinibak ni PNP chief, Gen. Camilo Cascolan sa pwesto ang hepe ng Ermita Police Station Commander Col. Ariel Caramoan.

Ang administrative relieve ni Caramoan ay bunsod na rin sa rekomendasyon ni P/Lt Gen Guillermo Eleazar, Joint task Force COVID Shields commander.

Nabatid na bago pa man ihudyat ang pagbubukas ng white sand area sa bahagi ng Manila Bay ay mahigpit na ang tagubilin ni Manila Mayor Isko Moreno na observe social distancing at implement the minimum health requirement.

Nabatid na kahit ipinagbabawal ang paglabas ng mga nasa edad 21-pababa, ilan sa mga magulang na nagtungo sa white sand ay may bitbit na mga anak.

Isang grupo rin ng senior citizen ang duma­ting at makaraan ang negosasyon ay pinayagan din kinalaunan na makapasok.

Sa ilalim ng panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Ma­nagement of Infectious and Emerging Diseases (IATF), ipinagbabawal ang paglabas ng mga senior citizen ngayong pandemya kung hindi ‘essential’ ang dahilan nito.

Dumating kinalaunan ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na siyang namahala sa mga tao. Naging mahigpit din ang pagsusuot ng facemask sa lahat ng dumating sa lugar.

Sa kabila ng kaguluhan, napagmasdan naman ang pagdating ng mga ‘migratory birds’ na ‘egrets’ sa white sand beach.

Nanawagan naman si Mayor Isko na dumarayo sa Maynila na panatilihin ang kalinisan ng lugar upang hindi na maka­dagdag sa ginagawang regular na paglilinis.

Posible na ipasara muna ang nasabing lugar para maiwasan na muling malabag ang social distancing lalo na at nasa General Community Quarantine pa ang siyudad at hindi pa rin ito pinapayagan ng Tourism.

MANILA BAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with