Top 4 drug personality arestado sa buy-bust
Kinilala ni QCPD Director, PBGEN Ronnie Montejo ang mga suspek na sina Edwin Flores, 43, at kanyang live-in partner na si Sherilyn Buenafe, 27, kapwa residente ng Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson.
STAR/ File
Top 4 drug personality arestado sa buy-bust
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nadakip ng mga awtoridad ang isang drug suspect na itinuturing na Station Level Top 4 Drug Personality ng La Loma Police Station (PS 1) ng Quezon City Police District (QCPD), sa isang buy-bust operation, habang binitbit din sa presinto ang kanyang kinakasama nang tangkaing hadlangan ang mga pulis sa pagdakip sa suspek kahapon ng umaga.

Kinilala ni QCPD Director, PBGEN Ronnie Montejo ang mga suspek na sina Edwin Flores, 43, at kanyang live-in partner na si Sherilyn Buenafe, 27, kapwa residente ng Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng mada­ling araw nang madakip ang mga suspek ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS 1 sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Florian Reynado.

Lumilitaw na isang confidential informant ang nagsuplong sa PS 1 hinggil sa illegal drug peddling activity ng suspek, kaya’t kaagad na nagkasa ng buy-bust operation ang mga pulis sa harapan ng isang tahanan na matatagpuan sa Silangan St., Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson.

Isang undercover cop ang nagpanggap na bibili ng shabu at nang makabili ng P500 halaga ng shabu mula kay Flores ay kaagad na itong inaresto.

Nakita naman ni Buenafe ang pangyayari at lumikha ito ng komosyon upang tangkaing pigilan ang mga pulis sa pag-aresto sa suspek, kaya’t maging siya ay binitbit na rin sa presinto.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang may 2.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P17,000 at buy-bust money.

Ang mga suspek ay nakapiit na at sasampahan ng kaukulang mga kaso sa piskalya.

QCPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with