Guidelines pinaplantsa na ng Metro Manila Mayors
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin ­Olivarez, Chairman ng Metro Manila Council , maglalagay ng security personnel at marshals sa mga sementeryo upang tulungan ang mga pulis na maipatupad ang health protocols.
STAR/ File
Guidelines pinaplantsa na ng Metro Manila Mayors
Angie dela Cruz, Ludy Bermudo, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

Sa pagpunta sa mga sementeryo

MANILA, Philippines — Inihahanda na ng Metro Manila Mayors ang mga ipapatupad na guidelines hinggil sa pagdagsa ng mga dalaw sa mga sementeryo bago ang itinakdang pagsasara ng mga ito sa panahon ng Undas mula Ocktubre 29 hanggang Nobyembre 4.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin ­Olivarez,  Chairman ng  Metro Manila Council ,  maglalagay ng security personnel at marshals  sa mga sementeryo upang tulungan ang mga pulis na maipatupad ang health protocols.

Ang mga bisita sa mga sementeryo ay ­inaabisuhan na ipatupad ang 30-percent capacity  na itinakda ng pamahalaan.

“Magkakaroon tayo ng marshal kasama ang ating PNP para ipatutupad ang physical distancing at hindi po magkaroon ng ga­therings,” pahayag ni  Olivarez.

Una nang ­ina­nun­­s­yo ng Malakanyang na sarado sa publiko ang lahat ng sementeryo at columbariums sa buong bansa sa panahon ng Undas.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, hinikayat ng pamahalaan ang publiko na magtungo sa sementeryo bago sumapit ang  October 29 o pagkatapos ng Nobyembre 4.

Pinangangambahan na dadagsa ang mga  tao sa mga sementeryo at columbaries kung papayagang  buksan ito sa panahon ng Undas at posibleng maging ugat ito sa pagtaas pa ng kaso ng COVID- 19.

SEMENTERYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with