German diplomat, 33 pa arestado sa paglabag sa health protocols
Sa ulat ng Makati Police Station-Substation 6, sa pangunguna ni P/Captain Judge Rowe Donato, dakong alas-10:00 ng gabi kamaka­lawa nang salakayin ang Kartel Rooftop Bar na matatagpuan sa ika-4 na palapag ng Building 5921, sa Algier St., Brgy. Poblacion, Makati City dahil sa paglabag sa Makati City Ordinance 2020-76 o Extended Curfew Hour, Social Distan­cing, (in relation to General Community Quarantine (GCQ).
The STAR/Michael Varcas
German diplomat, 33 pa arestado sa paglabag sa health protocols
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 34 katao kabilang ang isang German diplomat ang pi­nagdadampot ng pulisya nang salakayin ang isang rooftop ng bar kung saan natuklasan ang paglabag ng mga ito sa umiiral na health protocols sa Makati city, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Makati Police Station-Substation 6, sa pangunguna ni P/Captain Judge Rowe Donato, dakong alas-10:00 ng gabi kamaka­lawa nang salakayin ang Kartel Rooftop Bar na matatagpuan sa ika-4 na palapag ng  Building 5921, sa Algier St., Brgy. Poblacion, Makati City dahil sa paglabag sa Makati City Ordinance 2020-76 o Extended Curfew Hour, Social Distan­cing, (in relation to General Community Quarantine (GCQ).

Sa ulat, nag-iinuman ang mga kustomer na kinabibilangan ng diplomat na si George Maue, German national.

Sa police station, ang lahat ay inisyuhan ng Ordinance Violation Receipts kaugnay sa kanilang mga paglabag at ala- 1:00 ng madaling araw ay isa-isa rin silang pinalaya.

Matatandaang noong Hunyo 28, 2020, habang nasa GCQ din ang Metro Manila ay sinalakay ang  Skye Bar, sa 18th floor ng Ma1 Tower sa Dela Costa St., Barangay  Salcedo, Makati City kung saan inaresto ang nasa 100 kustomer kabilang ang celebrity TV host na si KC Montero dahil sa paglabag sa health protocols.

GERMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with