^

Metro

Mala-white beach na Manila Bay,2 araw bubuksan sa publiko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mala-white beach na Manila Bay,2 araw bubuksan sa publiko
Nakiisa sa isinagawang International Coastal Clean-up sa Manila Bay kahapon ang mga volunteers mula sa ibat-ibang government agencies at private groups. Mahigpit din namang ipinairal ang health protocols kabilang ang social distancing at ang pagsusuot ng face mask at face shields.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dalawang araw na bubuksan sa publiko ang Baywalk sa Manila Bay na tinambakan ng artificial white sand.

Kasabay sa pagdiriwang kahapon ng International Coastal Clean Up Day, bukas sa publiko ang baywalk na mala-white beach. Pwedeng magpa-picture o maglakad-lakad ang mga mamasyal basta nasusunod ang health protocols ng pamahalaan.

Ipinagbabawal na maligo sa lugar.

Sinabi ni DENR Indersecrtray Benny Antiporda, bukas ang lugar hanggang alas-6 ng gabi kahapon.

Ngayon araw bubuksan ito ng alas-5 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Dalawang araw pa lang muna itong ipapamalas sa publiko dahil muling isasara para tuluyang tapusin ang proyekto.

Sa ngayon nasa higit 100 metro na ang haba nito at ang plano dito ng DENR ay pahabain ng hanggang 500 metro.

vuukle comment

BAYWALK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with