‘Upwelling’ ugat ng fish kill sa Manila Bay sa Baseco-BFAR
MANILA, Philippines — Oceanographic phenomenon o tinatawag na upwelling ang naiisip ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa may Baseco area sa Manila Bay.
Ang upwelling ay nagsasangkot ng paggalaw ng hangin na siksik, mas malamig, at kadalasang mayaman na mayaman sa nutrient patungo sa ibabaw ng karagatan, na pinapalitan ang pampainit, kadalasang nakapagpapalusog sa tubig.
Dahil sa upwelling water activity bumababa ang dissolved oxygen level na mahalaga sa mga isda para mabuhay.
Batay sa pagsusuri ng BFAR sa tubig mula sa Baseco Area, sobrang baba ng level ng dissolved oxygen (DO) sa 0.11 mg/L at ang acceptable level para sa marine waters ay 5 mg/L.
Sa napaulat na fish kill, ang mga residente doon ay nakakita ng mga isdang biya, kanduli, asohos, at tilapia na lumulutang sa baybayin at naghahanap ng hangin makaraan ang malakas na pag-ulan sa lugar.
Ang naturang mga isda ay mga midwater dwellers na mabilis mamatay dahil sa pagbaba ng dissolved oxygen sa baybayin .
Una nang pinaghinalaan ng marami na ang nailagay na dolomite white sand ng DENR sa Manila bay ang ugat ng fish kill sa Baseco area sa naturang baybayin.
- Latest