^

Metro

4 na lugar sa Taguig, isinailalimsa localized lockdown

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, isinailalim sa  localized community quarantine ang apat  na lugar sa Brgy. Sta Ana sa lungsod ng Taguig.

Nabatid sa abiso ng Taguig Safe City Task Force, simula noong Biyernes (Sept. 18)  at tatagal hanggang Setyembre 30 ang lockdon sa  mga lugar sa Brgy. Sta. Ana na kinabibilangan ng Pulong Kendi 2, Samasipat, Faculty St. at Romantic St.

Napag-alaman na sa pinakahuling tala ng Taguig LGU, may kabuuang 441 na active cases sa lungsod, Pinakamaraming active cases ang naitala sa nasabing barangay na pumalo na sa 50.

Hindi pa umano natutukoy ang pinagmulan ng transmission ng virus.

Para makontrol ang pagkalat ng sakit, payo ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) at ng Quarantine and Containment Management Team (QCMT) na dagdagan pa ang mga kalsadang isasailalim sa LCQ.

Kailangan din na mahigpit ang pagpapatupad ng quarantine protocols sa mga lugar na isinailalim sa lockdown para malimitahan ang paggalaw o paglabas ng mga residente nito, at mas agresibong istratehiya sa community testing at paghahanap ng mga active cases sa lugar.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with