Lisensya ng PUV drivers, kukumpiskahin kapag lumabag sa 1 meter distancing
Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG)-NCR sa pangunguna ni P/Col. Wilson Doromal sa mga pampublikong sasakyan kung nakakasunod sa ipinatutupad na isang metrong distansya.
Kuha ni Boy Santos
Lisensya ng PUV drivers, kukumpiskahin kapag lumabag sa 1 meter distancing
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ni P/Lt.  Gen. Guillermo Elea-zar, hepe ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield na mas magi-ging mahigpit ang inspeksiyon at monitoring ng pulis sa mga pampublikong sasakyan  kung saan kukumpiskahin ang lisensya ng mga driver na  lalabag sa one-meter social distancing sa mga pasahero.

Ayon kay Eleazar, may multa ring ipapapataw sa mga lalabag at tanging sa Land Transportation Office (LTO) lamang maaa-ring tubusin.

Magkakaroon din aniya ng mga police marshall na magbabantay sa PUV sa mga terminal kung sumusunod ba sila sa minimum health protocols.

Sinabi ni Eleazar na random ang gaga-waing pag-iinspeksyon sa mga PUVs.

Dagdag ni Eleazar, bagama’t nauunawan nila ang hinaing ng mga driver, mas kaila-ngan na bantayan ang kaligtasan ng iba.

Kailangan na sundin ang 1 meter distance rule para na rin sa ka­pa­kanan ng lahat.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with