P83 milyong halaga ng mga armas, itinurn-over ni Mayor Joy sa QCPD
Pormal na iti-nurn-over ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang iba’t ibang uri ng armas na nagkakahala- ga ng P83 milyon sa QC Police District sa pangu-nguna ni BGen. Ronnie S. Montejo sa simpleng seremonya na isinagawa sa Camp Karingal, kahapon.
Kuha ni Michael Varcas
P83 milyong halaga ng mga armas, itinurn-over ni Mayor Joy sa QCPD
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa P83 milyong halaga ng mga ba­gong armas at kagamitan ang personal na itinurn-over ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa QC Police District sa isang simpleng sere­monya sa Camp Karingal, kahapon.

Kasama sa mga ipi­namigay ng lokal na pamahalaan sa QCPD ang Robotic vehicle, sniffer rifles at sub-machine gun para sa Swat at Mobile force batta­lion kasama na ang isang remote-ope­rated vehicle na magagamit sa anti-terrorism ope­ration.

Kasama ring tinanggap ng QCPD  ang walong Sniper Rifles na may night vision, goggles, kevlar helmet, range finder, teles­copes gayundin ang  96 na unit ng taurus 9mm sub machine Gun para sa Swat at District Mobile Force battalion.

“Mabuti rin po at good timing sa pagbubukas natin ng bagong stations 13 at 14 ay dumating itong mga bagong kagamitan na hopefully ay makakatulong sa inyong operasyon para sa pagsugpo ng terorismo at kriminalidad sa lungsod. You’ve earned this moment so please accept these as we honor your relentless service. Kayo ay nagsisilbing magandang halimbawa sa amin, ” pahayag ni Mayor Belmonte.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng QCPD sa pangunguna ni QC Police director Ronnie Montejo sa mga bagong armas na ipinagkaloob sa kanila ng lokal na pamahalaan.

Anya, hindi lamang ito magpapalakas ng  kanilang kapabilidad kundi nagpapataas din sa morale ng kanilang mga tauhan.

“Undoubtedly, these millions of pesos worth of equipment will improve our operational and anti-criminality programs. Let us continue to serve and protect them    and let them be proud of their police,” pahayag ni Montejo.

 

QCPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with