Mas mahigpit na batas sa immigration, iginiit
Sinabi ni Morente na base sa Section 44 ng Immigration Act, pagmumultahin ng P500 ang airline company o barko na matutuklasan na nagpabiyahe ng dayuhan na hindi maayos ang dokumento. Itinaas ang multa noong 1999 sa P50,000 na inaprubahan ni dating Justice Secretary Serafin Cuevas.
Mas mahigpit na batas sa immigration, iginiit
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan kaha­pon si Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente na magpasa ang pamahalaan ng bago at mas mahigpit na batas sa immigration upang mas magkaroon ng ngipin ang ahensya para mapagmulta ang mga airline companies na patuloy ang paglabag sa pagpapalipad ng mga ‘undocumented passengers’.

Ang panawagan ay makaraan ang komento ng Commission on Audit sa kanilang Audit Report for 2019 na kumita sana ang BI ng P272 milyon kung napagbayad ang mga airline companies ng kanilang multa mula 1999 hanggang 2016.

Sinabi ni Morente na base sa Section 44 ng Immigration Act, pagmumultahin ng P500 ang airline company o barko na matutuklasan na nagpabiyahe ng dayuhan na hindi maayos ang dokumento.  Itinaas ang multa noong 1999 sa P50,000 na inaprubahan ni dating Justice Secretary Serafin Cuevas.

Ngunit kinuwestiyon ito sa korte ng mga airline companies na hindi nagbayad ng multa.  Noong 2016 ay ibinalik sa P500 ang multa base sa circular na inilabas ni noon ay Justice Secretary Emmanuel Caparas nang paboran ang petisyon ng mga airline companies laban sa legalidad ng 1999 memorandum ng BI.

Pinayuhan ni Caparas ang BI na magpanukala ng bagong batas na mag-aamiyenda sa Immigration Act at maitaas ang multa na ipinapataw sa mga airline compa­nies.

“This move has put the government to a dis-advantage,” giit ni Morente.  “The penalties for erring airlines remain low, at P500.  This ridiculously low amount does not deter airlines from committing violations,” dagdag pa niya.

Pinayuhan naman ng COA report ang kasa- lukuyang mga opisyal ng BI na hilingin sa kanilang mother agency na ang DOJ na resolbahin ang isyu ng legalidad sa multa.

“It is necessary to equip the BI with the necessary legal and administrative tools for us to effectively carry out our mandate,” ayon pa kay Morente na idinagdag na mababawasan ang pagpasok ng mga iligal na dayuhan at mapipilitan na maghigpit ang mga airlines kung maitataas ang multa laban sa kanila.

 

IMMIGRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with