Bebot timbog sa modus ng pekeng disinfection service
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang babae na pilit na naniningil ng bayad sa ‘disinfection service’ sa isang negosyante kahit na hindi siya kinontrata ng biktima at walang serbisyong naganap, kamakalawa ng hapon sa Sta. Ana, Maynila.

Nahaharap ngayon sa kasong attempted estafa  sa Manila City Prosecutor’s Office ang suspek na si Marichu Santos, 39, ng Brgy. Pitogo, Makati City.

Sa ulat ng Sta. Ana Police Station 6, nag-babantay ng kaniyang negosyo na JD’s Patahan at Manukan sa may P. Gil Street sa Sta. Ana ang biktima na si Paul Hedeo, 25, ng Brgy. Kawilawan, Makati City, dakong alas-4:45 ng hapon nang lapitan siya ng suspek.

Sinabi ni Hedeo na sinisingil siya ng suspek ng halagang P4,480 na nakatala sa iprinisinta sa kaniyang resibo ukol sa serbis­yong pag-disinfect sa kaniyang puwesto.  Tumanggi si Hedeo na bayaran ang halaga dahil sa hindi naman siya nangontrata kaninuman at wala rin namang ‘disinfection service’ na ginawa sa puwesto ng kaniyang negosyo.

Dito nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa dalhin ni Hedeo sa tulong ng kaniyang tauhan ang babae sa tanggapan ng kanilang barangay. Sa loob ng barangay hall, natuklasan na peke ang mga iprinisitang resibo ng suspek at wala rin siyang kaugnayan sa anumang kompan­ya na nagbibigay ng ‘disinfection services’ hindi rin siya makapagpa-kita ng dokumento na nagkaroon ng kasunduan kay Hedeo.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with