Emergency treatment facility ng NCRPO, binuksan na
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binuksan na kahapon ang emergency treatment facility na pagdadalhan sa mga pulis na matinding  tina­maan ng COVID-19 sa loob ng Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City.

Pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Major General Debold Sinas ang pagpapasinaya sa nasabing pasilidad na may sampung silid at kumpleto sa medical equipments.

Pinondohan aniya, ang pagtatayo at mga kagamitan ng isang pribadong kompanya na pag-aaari ng isang Chinese businessman ang nasabing pasilidad.

Ito’y para lamang sa mga emergency cases na nagpapakita ng sintomas at nahihirapan nang huminga, upang agad na mabigyan ng atensiyong medical habang naghihintay pa nang paglilipatang ospital.

Bukod pa ito sa mga itinayong quarantine facilities sa loob ng Camp Bagong Diwa, kung saan nananatili ang mga sumasailalim sa quarantine period na walang sintomas.

Nabatid na nasa 2,325 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng CO-VID-19 sa mga tauhan ng NCRPO, na muling nadagdagan ng 18 pa­nibagong kaso.

May 314 active cases, 2,008 recoveries at apat na ang nasawi kasama ang pinakahuling naitala na isang Staff Sergeant mula sa Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) ng Pasig Police Station.

 

NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with