P2.7 milyong shabu nasamsam sa ‘tulak’
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa P2.7 mil-yong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Anti-Drug Unit ng Sta. Ana Police Station sa isang notoryus na ‘tulak’ sa ikinasang buy-bust operation, kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ang nadakip na si Christian Bello, alyas Ian, 28, nakatala sa drug watchlist ng Sta. Ana Police.

Sa ulat ng pulisya, alas-5 ng madaling araw nang magkasa sila ng buy-bust sa may kanto ng Sampa­guita Extension at Eloriaga St. sa Sta. Ana makaraan na isa nilang asset ang magpanggap na buyer.

Matagumpay na nakabili ng isang plastic sachet ng shabu ang poseur buyer. Dito na lumantad ang mga nakaantabay na mga pulis at ipinatupad ang pag-aresto sa nakorner na suspek.

Nakumpiska sa po-sesyon ni Bello ang isang ‘‘heat-sealed plastic sachet’ at apat na ‘knot-tied plastic’’ na naglalaman ng tinatayang 405 gramo ng shabu na may halagang P2,754,000.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with