LRT-2 East extension project, patapos na-DOTr
Target ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at ng DOTr na mapasinayaan at maging fully operational ang proyekto sa Abril 2021.
STAR/ File
LRT-2 East extension project, patapos na-DOTr
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patapos na ang LRT-2 extension project, ayon sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr).

Sinabi ng  DOTr,  sa ngayon ay nasa 92.14% na ang overall progress rate ng naturang proyekto.

Target ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at ng DOTr na mapasinayaan at maging fully operational ang proyekto sa Abril 2021.

“Kasalukuyang nasa 92.14% na ang overall progress rate ng LRT-2 East Extension Project, na siyang tina-target ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA), sa pamumuno ni Administrator Rey Berroya, kaakibat ang Department of Transportation (DOTr), sa pangu­nguna ni Secretary Arthur Tugade, na pasinayaan at magiging fully operational sa Abril 2021,” anang DOTr.

Nabatid na ang apat na kilometrong extension sa 13.8-kilometrong LRT2 line ay inaasahang makapagbibiyahe ng karagdagang 80,000 pasahero araw-araw, mula sa kasulukuyang average daily ridership na 240,000.

Magkakaroon ito ng dalawang bagong istasyon na kinabibilangan ng Emerald Station sa Marikina, at Masinag Station sa Masinag Junction sa Antipolo City.

Kumpiyansa naman ang DOTr na sa sandaling matapos ang proyekto ay magiging 40 minuto na lamang ang biyahe mula sa Masinag, Antipolo hanggang sa Recto, Maynila, mula sa kasalukuyang tatlong oras na biyahe sa pamamagitan ng bus o jeepney.

Sa kasalukuyan ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay sa Santolan, Pasig City at Recto, sa Maynila ngunit bumibiyahe lamang ito mula Recto hanggang sa Cubao, Quezon City dahil sa sunog na naganap sa isang istasyon nito noong nakaraang taon.

DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with