Bahagi ng Roxas Boulevard isasara bukas
Sa advisory na inilabas ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang kahabaan ng R. Blvd. simula sa P. Burgos Street hanggang Quirino Avenue, sa magkabilang linya ay isasarado mula alas- 6:00 ng umaga hanggang alas -9:00 ng umaga sa Setyembre 19.
STRA/ File
Bahagi ng Roxas Boulevard isasara bukas
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isasara  sa mga motorista ang bahagi ng Roxas Boulevard bukas (Sabado) upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng ika -35 taon ng  ‘International Coastal Clean Up Day’.

Sa advisory na inilabas ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang kahabaan ng R. Blvd. simula sa P. Burgos Street  hanggang Quirino Avenue, sa magkabilang linya ay isasarado mula alas- 6:00 ng umaga hanggang alas -9:00 ng umaga sa Setyembre 19.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta.

Ang patungong north, simula sa Osmeña Highway ay kumanan sa Quirino, dumiretso sa Lacson Avenue, kumaliwa sa Tayuman, Capulong Street patungo sa destinasyon. Kung magmumula sa Roxas Blvd, kumanan sa EDSA, Osmeña Highway, kumaliwa sa Quirino Ext, U.N. Avenue, kumanan sa Romualdez, kumaliwa sa Ayala Blvd, Finance Rd, P. Burgos, kumanan sa Bonifacio Drive,patungo sa destinasyon.

Kung pa-southbound naman, mula sa Bonifacio Drive, kumaliwa sa  P. Burgos, Finance Roadd, Ayala Blvd, kumanan sa Marcelino St, kumanan sa Quirino Ave bago kumaliwa sa Roxas Blvd patungo sa destinasyon. Ang International Coastal Clean Up Day, na ginaganap sa tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre ay alinsunod sa Proclamation No. 470 , na may layuning kolektahin at idokumento ang mga basurang nakakalat sa mga dalampasigan ng bawat bansa.

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with