Fishkill sa Manila Bay, hindi dulot ng dolomite â BFAR
Ito ang resulta ng pag-aaral ng DENR-BFAR sa kalidad ng tubig ukol sa napaulat na fishkill sa Manila Bay sa bahagi ng Baseco, Tondo.
Edd Gumban
Fishkill sa Manila Bay, hindi dulot ng dolomite – BFAR
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mababang lebel ng oxygen’sa tubig ang naging dahilan sa  naganap na fishkill sa Manila Bay at  hindi dahil sa dolomite, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahapon.

Ito ang resulta ng pag-aaral ng DENR-BFAR sa kalidad ng tubig ukol sa napaulat na fishkill sa Manila Bay sa bahagi ng Baseco, Tondo.

Ayon sa BFAR, alas-5 pa ng madaling araw noong Setyembre 15 nang matagpuan ng mga residente ang mga naglutangang patay na isda matapos ang malakas na ulan.  Umabot umano sa 10 kilo ng isda ang natagpuang patay.

Nagpadala ng grupo ang BFAR para magsagawa ng imbestigasyon nitong Setyembre 16 at kumuha ng sampol ng tubig.

“The result of the water quality testing in the Baseco Area indicated very low level of dissolved oxygen (DO) at 0.11 mg/L. The acceptable level for marine waters is 5 mg/L,” ayon kay BFAR Executive Director Eduardo Gongona.

Ang resulta ng pagsusuri ng BFAR ay kumokontra sa hinala ng isang opisyal ng Baseco Seaside Neighborhood Association na posibleng epekto ng dolomite sand ang fishkill.

Isang video post sa Facebook page na Urban Poor Associates ang kumakalat kahapon ukol sa fishkill. Ito umano ang unang pagkakataon na nagkaroon ng fishkill sa lugar.

“The community now worries that this might be the effect of the dolomite ‘white sand’ as part of the Manila Bay Rehabilitation,” ayon sa post.

Makaraang madiskubre na mababang oxygen level ang dahilan ng fishkill, ipinayo na lamang ng BFAR na mag-ingat sa pagkain ng mga lumutang na isda na maaaring may masamang epekto sa kalusugan.

Wala na ring na-monitor na lumutang na mga patay na isda ang BFAR kahapon sa Manila Bay.

Related video:

BFAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with