P60 milyong puslit na sigarilyo nasabat ng Customs
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling  nakasabat ng multi-milyong halaga ng puslit na mga sigarilyo   ang Bureau of Customs sa Port of Subic. Sa ulat ng BOC, Setyembre 5 at 6 nang dumaing sa Port of Subic ang kargamento na naka-consign sa BWFIC Trading na idineklarang naglalaman ng ‘steel wire mesh’ mula sa China.

Dahil sa nakataas ang alert order laban sa shipment, isinailalim sa inspeksyon ang kargamento kung saan nadiskubre na sa halip na mga steel wire mesh ay naglalaman ito ng kahon-kahong sigarilyo na may brand na Union at D&B at nagkakahalaga ng P60 milyon.

Isinagawa ang eksaminasyon nitong Setyembre 15 nina District Collector Maritess Martin, mga kinatawan ng Philip Morris Fortune Tobacco Corp., Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Coast Guard (PCG). Iginiit ni Martin na mas pinaigting nila ngayon ang proteksyon sa mga border ng bansa upang mapigilan ang smuggling kabilang ang sigarilyo.

Nakatakdang sampahan ngayon ang consignee ng kontrabando ng kasong paglabag sa Section 1113 at Section 1400 (Misdeclaration) ng Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

BOC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with