Higit 10 food delivery riders, nabiktima ng pekeng booking
Makikita sa post ng isang Natalie Dela Cruz sa kanilang Facebook account ang mga food riders ng iba’t ibang kumpanya ng food deliveries na nasa tapat ng isang brown na gate at naghihintay na may lumabas .
Unsplash/Shahan Jacob
Higit 10 food delivery riders, nabiktima ng pekeng booking
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit sa sampung food delivery riders ang nagtambakan sa harap ng isang bahay sa Pilar Village sa Las Piñas City matapos mabiktima ng pekeng booking, kahapon.

Makikita sa post ng isang Natalie Dela Cruz sa kanilang Facebook account ang mga food riders ng iba’t ibang kumpanya ng food deliveries na nasa tapat ng isang brown na gate at naghihintay  na may lumabas .

Wala umanong lumalabas na “AJ Pande” dahil wala umanong nakatira sa nasabing address na ganoong pangalan, kundi senior citizen lamang subalit lumalabas na walang alam sa mga inorder na pagkain, kaya dismayado ang mga food riders.

Ayon kay Dela Cruz, pawang naloko ang mga delivery riders dahil iba’t-ibang contact numbers ang nakalagay sa iisang address na nakarekord sa  food delivery service app.

“Nakwento sa ‘kin ng mga rider na pinick up po nila sa seller ‘yung order ni AJ Pande. Paiba-iba ‘yung contact number na binigay ni AJ pero same address,” sa post ni Natalie sa FB.

Sa gitna ng pan­demya, ilang insidente na ng katulad na scheme ang nakapambiktima sa ilang restaurants at online delivery service.

FOOD DELIVERY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with