Pulis patay,1 pa sugatan sa baril ng kabaro
Kinilala ni P/Capt. Patrick Alvarado of District Mobile Force Battalion ng Northern Police District (NPD-DMFB) ang nasawi na si P/SSgt. Christian Pacanor, 33, nakalataga sa DMFB-Forward Base at residente ng Sangandaan, Caloocan City, habang sugatan naman si Pat. Jhomel Blas, 26.
STAR/File
Pulis patay,1 pa sugatan sa baril ng kabaro
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang pulis  ang nasawi habang isa pa ang sugatan nang aksidenteng pumutok ang baril na pinapraktis ng kanilang kasamahan sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Capt. Patrick Alvarado of District Mobile Force Battalion ng Northern Police District (NPD-DMFB) ang nasawi na si P/SSgt. Christian Pacanor, 33, nakalataga sa DMFB-Forward Base at residente ng Sangandaan, Caloocan City, habang sugatan naman si Pat. Jhomel Blas, 26.

Kusang loob namang sumuko si Pat. Mark Jim Prado, 28, nakatalaga rin sa DMFB Forward Base at nakatakdang sampahan ng kasong homicide at serious physical injury.

Sa inisyal na impormasyon  na natanggap ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao,

nagsasagawa si Pat. Prado ng dry-fire gamit ang kanyang issued caliber .9mm Canik pistol sa loob ng DMFB Forward Base sa Blk 45 Salmon St. Brgy. Longos, alas-8:45 ng umaga nang aksidenteng pumutok ang baril.

Tumagos ang bala sa dingding na kahoy at tinamaan si SSgt. Pacanor sa likod at tumagos ang slug sa harap ng kanyang katawan habang si Pat. Blas ay nahagip naman sa ibabang bahagi ng kaliwang tainga.

Kaagad isinugod ang mga biktima sa Ospital ng Malabon subalit, hindi na umabot ng buhay si PSSgt. Pacanor.

Inilipat naman si Pat. Blas sa Tondo Medical Center kung saan patuloy itong inoobserbahan.

PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with