Higit P164 milyong shabu nasabat: 7 arestado
Ang dalawang suspect na natimbog ng mga tauhan ng PDEA sa isinagawang drug ops sa Macapagal Avenue sa Parañaque City kung saan nasabat ang may P120 milyong halaga ng shabu.
Jesse Bustos
Higit P164 milyong shabu nasabat: 7 arestado
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit sa 24 na kilo ng hinihinalang shabu ang nakum­piska ng mga tauhan ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), habang pitong drug suspects naman ang kanilang naaresto  sa tatlong buy-bust ­operation na kanilang isinagawa sa mga lungsod ng Parañaque at ­Ta­guig, nabatid kahapon.

Batay sa ulat ng PDEA, na pinamumunuan ni Director Generel Wilkins Villanueva, unang naaresto dakong alas-3:30 ng hapon kamakalawa sina ­Mangie Sotolombo, 49, pintor at Carlos Vallente, 27.

Nakumpiska mula sa kanila ang tinata­yang nasa 20 kilo ng shabu na nagkakaha­laga ng P136 milyon at isang unit ng cellphone.

Samantala, pasado alas-4:00 naman ng hapon kamakalawa nang maaresto ang suspek na si Marivic Aswilo Mabascog, 50, isang housemaid, at residente Maricaban, Pasay City sa kahabaan ng  Pacific ­Avenue, Brgy. Dongallo, Parañaque City.

Nasamsam mula sa kanya ng mga awtoridad ang tinatayang may apat na kilo ng shabu na may street  value na P27,200,000 at isang unit ng cellphone.

Sa kabilang dako, ang mga suspek naman na sina Norsiya Salvador Ahin, 34, at Puti Salik, 30, construction worker; Baitata Salaiman Sultan, 24, vendor, at Unday Mupak, 32, pawang ng Taguig City, ay naaresto dakong alas-11:00 ng umaga kahapon sa isang parking lot ng  Sunshine Mall Plaza, Western Bicutan.

Narekober mula sa mga suspek ang may 200 gramo ng hinihina­lang shabu na may street value ng P1,360,000, at ‘di tinukoy na halaga ng buy-bust money.

Ang mga suspek ay pawang nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o  The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with