^

Mayor Moreno umaming pangarap maging Pangulo

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inamin kahapon ni Manila City Mayor Isko Moreno na may pangarap rin siya na maging Pangulo ng bansa ngunit ipinauubaya na umano niya ito sa tadhana kung kaniyang makakamit.

Ikinatwiran ni Moreno na lahat umano ng politiko ay nag-aambisyon na maging Pangulo sa oras na nagdesisyon na tumakbo sa halalan at maglingkod sa taumbayan.

“As a general rule, lahat gustong mag-Presidente kapag nasa gobyerno ka na. Lahat ‘yan papangarapin ‘yan… lahat ‘yan, syempre, gustong maging Presidente at makapaglingkod sa Pilipinas,” ayon kay Moreno.

Iginiit niya na nasa likod ng isipan ng lahat ng politiko ang posibilidad na maging Presidente na inamin niya na mas makakamit kung sad-yang nakatadhana ito sa isang tao o politiko.

“Destiny ‘yan, eh. Lahat ng nag­plano niyan, natalo. Kusang dumarating ‘yan, tsaka tao nagbibigay niyan,” paliwang ng alkalde.

Kasunod nito, itinanggi rin ng alkalde na may mga humihikayat sa kaniya na tumakbo bilang Bise-Presidente sa darating na halalan sa 2022.

Ang importante umano ay maa-lala ng taumbayan ang isang politiko lalo na kung ano ang ginawa nila sa mga panahon ng krisis tulad ng nararanasang pandemya.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with