P13 milyong shabu nasabat ng PDEA
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa P13 mil­yong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isi­na­­gawang buy-bust ope­ration sa Makati City.

Ayon kay PDEA Dir. Gen Wilkins Villanueva nadakip din sa operas­yon ang suspek na si Asrainie Bilao.

Dakong alas-5:30 ng hapon ng isagawa ang buy-bust ng pinagsanib na elemento  ng PDEA NCR, PDEA 4-A at AFP-ISAFP  sa may Chino Rocess St., Arnaiz Ave, Pio Del Pilar, Makati City.

Si Bilao ay inaresto ng mga awtoridad matapos na maiabot ang droga sa isang agent na nagpanggap na buyer.

Narekober ng mga operatiba sa suspek ang 2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13 milyon. — Ludy Bermudo

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with