Nakaw na bike ipinost sa Facebook, obrero timbog
Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si David Averia y Javier, residente ng 178-D 18th Avenue, Barangay East Rembo, Makati City.
PSN Metro/ File
Nakaw na bike ipinost sa Facebook, obrero timbog
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 23-anyos na cons­truction worker nang umano’y nakawin ang bisikleta ng isang tauhan ng Bantay Bayan sa Barangay Sta. Ana, Pateros, Metro Manila at i-post pa ito sa Facebook.

Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si David Averia y Javier, residente ng 178-D 18th Avenue, Barangay East Rembo, Makati City.

Sa ulat ng Pateros Police Station, dinakip ang suspek sa reklamo ng biktimang si Gilbert Cabrera y Fernandez, 32, Bantay Bayan ng Brgy. Santo Rosario-Kanluran at residente ng 9M P. Rosales St., Brgy. Sta. Ana, Pateros.

Sa ulat, dakong alas 3:08 nang mada­ling araw ng Setyembre 5 nang mamataan na itinatakas ng suspek mula sa holding area ng Brgy. Sto. Rosario-Kanluran ang isang BMX bicycle na may pinturang puti.

Naging susi naman sa pagkakadakip sa suspek nang makita  ang ipinost ng suspek sa Facebook page ng “Taguig MarketPlace: Buy and Sell Trade, ang larawan ng BMX na tinangay niya at may caption na ’ Mga kap baka may gusto makipag swap sa bmx ko’, ilang oras lamang matapos niya itong tangayin.

Dahilan ito upang humingi ng police assistance ang biktima sa Sub-station 3 ng Pateros Municipal Station  at natunton ang suspek at narekober ang nasabing bisikleta na nagkakahalaga ng P2,500.

BIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with