^

14 bike racks inilagay sa MRT-3 stations

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Dahil sa paparami nang paparami ang nasusumpungan nang gumagamit ng bisikleta sa pagpasok sa kanilang mga trabaho, nasa 14 pang bicycle racks ang ipinuwesto ng Department of Transportation (DOTr) Road Sector sa mga istasyon ng MRT-3.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, dahil dito, nasa kabuuan nang 17 ang bike racks sa mga istasyon ng MRT-3, na libreng magagamit ng mga pasahero, araw-araw, at bawat isa sa mga ito ay kayang maglaman ng limang bisikleta.

Nabatid na naglagay ng tig-iisang bike rack sa mga istasyon ng Cubao, Santolan, Ortigas, Shaw Boulevard, Boni at Guadalupe.

Samantala, apat namang bike racks ang inihanda para sa Buendia station habang sa North Avenue at Quezon ­Avenue stations ay may tig-dalawang bike racks ang puwede nang magamit ng mga pasahero.

Nasa tatlo naman bike racks ang inilagay na bicycle racks sa GMA-Kamuning station.

Ayon sa MRT-3, kabuuang 34 bike racks ang target nilang mailagay sa lahat ng istas­yon mula North Avenue, ­Quezon City hanggang Taft ­Avenue, Pasay City.

Ipinaalala naman ng pamunuan ng MRT-3 sa mga pasahero nila na gumagamit ng bike racks na huwag mag-iwan ng mga mahahalagang ga­mit sa kanilang bisikleta.

Dapat din anilang maging maingat tuwing gagamit ng bike racks at tiyaking nakakandado ang bisikleta dahil hindi pananagutan ng MRT-3 ang anumang bagay na mawawala o masisira dito.

LRT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with