National Heroes Day inalay sa frontliners
“Kapag kayo ay nakakita ng ating mga frontliners sa medical sector or health sector, sa barangay, at mga pulis, please give them a simple thank you,” ayon kay Manila Mayor Isko Moreno.
Walter Bollozos, file
National Heroes Day inalay sa frontliners
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Inialay ni Manila Mayor Isko Moreno ang Araw ng mga Bayani sa mga frontli­ners na harapang lumalaban at nagsasakripisyo sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa sa kabila ng banta sa sarili nilang kalusugan.

Sa kaniyang talumpati kahapon sa Kartilya ng Katipunan, para sa mga frontliners partikular sa mga medical healthworkers ang paggunita sa mga bayani.

“Kapag kayo ay nakakita ng ating mga frontliners sa medical sector or health sector, sa barangay, at mga pulis, please give them a simple thank you,” ayon kay Moreno.

Nanawagan siya sa mga frontliners na ipagpatuloy lang ang kanilang tungkulin para mapanatili ang mataas na recovery rate lalo na sa Maynila at dapat din umanong suklian ng publiko sa ibayong pag-iingat sa sarili at pagsunod sa mga tagubilin ng pamahalaan.

Sa panig ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, tumutulong sila sa pagpapalakas sa mga medical facilities, pagbili ng mga equipments at pag-hire sa mga medical workers maging ang pagbili ng mga medisina na panlaban sa virus.

FRONTLINERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with