Health workers, binigyang-puri ni Vico
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Binigyang-puri ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga health   workers sa paggunita ng Araw ng mga Bayani sa bansa kahapon.

Hindi nakadalo si Sotto sa National Heroes’ Day Rites kahapon ng umaga dahil sa ibang commitment kaya’t ang pagdiriwang ay pinangunahan ni Cong. Roman Romulo.

Gayunman, sa kanyang social media accounts, nagbigay ng kanyang mensahe at anunsiyo si Sotto para sa aktibidad.

“Ngayong Araw ng mga Pambansang Bayani, nagbibigay-pugay tayo sa mga Pilipinong ipinaglaban ang ating kasarinlan. Nagbibigay-pugay din tayo sa ating mga Bagong Bayani ngayong panahon ng pandemya: ang ating healthcare frontliners,” ani Sotto.

“Although we have our shortcomings, the LGU will continue to do its best to serve our health workers who work tirelessly -- often working 12++ hour shifts in the heat of full PPEs,” pagtiyak pa niya.

“Ngunit tandaan natin na kailangan din natin silang tulungan. Nawa’y ngayong panahon ng krisis ay isabuhay ng bawat isa sa atin ang diwa ng kabayanihan. We all have a responsibility to do our part, big or small,” dagdag pa ng alkalde.

Samantala, inianunsiyo rin ng alkalde na nakatakda na nilang ilabas sa Biyernes, Setyembre 4, ang tulong para sa unang batch ng TAPAT beneficiaries, na nasa 2,000 aniya.

Sa isyu naman ng travel authority, sinabi ni Sotto na ang Philippine National Police (PNP) pa rin ang nagre-release nito.

Umapela naman ang alkalde na tulungan ng mga mamamayan ang PNP lalo na at maraming tao ang gumagawa ng pekeng dahilan para makakuha ng travel authority.

Kaugnay nito, sinabi ni Sotto na tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng libreng testing sa COVID-19.

Paalala ng alkalde, bawal ang walk-in at kung nais magpasuri ay maaari aniyang magpa-reserba sa bit.ly/pasigcovidantibodytes­ting.

FRONTLINERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with