Quezon City LGU, namahagi ng titulo ng lupa sa 1,800 residente
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng titulo ng lupa para sa may 1,800 infor­mal settlers sa Brgy. Bagong Silangan at Brgy. Payatas sa lungsod.

Ito ay makaraang lumagda si Mayor Belmonte sa Deed of Abso­lute Sale ng pamahala­ang lungsod ng Quezon sa pagitan ng land owners na Tofemi Real­ty Corporation at Kanejin Corporation para ipamahagi ang 14 hectares ng lupa sa naturang mga lugar. 

Mismong si Mayor Joy Belmonte at Ms. Bernadette Halili, kinatawan ng Tofemi Realty Corporation at sina Lei Balueta at Jocelyn Lajato na mga kinatawan naman ng Kanejin Corp ang pumirma sa kasunduan sa bilihan. 

 “Ito po ay isa sa katuparan ng pangako ko sa inyo na mabigyan kayo  ng sariling tirahan na masasabing sa inyo. Ito ay katuparan ng ating pangako na programang pabahay sa inyo,” paha­yag ni Belmonte.

Sinabi ng alkalde na binili ng lokal na pamahalaan ang lupain mula sa dalawang kumpanya para sa mga benepis­yaryo nito.

Mangiyak-ngiyak naman ang ilan sa mga benepisyaryo ng lupa na nakiisa sa sumaksi sa isinagawang simpleng seremonya para dito.

Ang may 1,800  be­ne­pisyaryo ay mula sa 14 na Homeowners Association sa naturang barangay.

Ang lupa ay ipapautang ng QC government para sa naturang mga benepisyaryo at babayaran sa loob  ng 25 taon sa murang ha-laga lamang. 

Ayon kay Belmonte,, mayroon pang mahigit 16 na libong residente ng lungsod ang patuloy nilang hinahanapan ng lupang matitirahan para maialis sa mga tabing ilog at creek.

Sinasabing taong 2006 pa nilalakad ng naturang benepisyaryo na mapasakanila na ang lupang tinitirikan ng kanilang bahay pero ngayong 2020 lamang naganap sa ilalim ng panunungkulan ni Belmonte.

 

QUEZON CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with