Magnanakaw  ng bisikleta armado ng  bolt cutter
Nakapiit na sa Pasay Police Station ang suspek na kinilalang si Rey Bandalan y Salinas, residente ng No. 1418 Tramo Street, Barangay 46, Pasay City sa reklamo ng biktimang si Jomari Bendicio y Basabe, 26 , sales promoter, ng No. 1385 B2 Gomez St., Paco Maynila.
STAR/ File
Magnanakaw ng bisikleta armado ng bolt cutter
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 35-anyos na lalaki nang maaktuhang ginagamitan ng bolt cutter ang nakapadlock na bisikleta upang tangayin, sa entrance gate ng Pasay Public Market, sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Nakapiit na sa Pasay Police Station ang suspek na kinilalang si Rey Bandalan y Salinas, residente ng No. 1418 Tramo Street, Barangay 46, Pasay City sa reklamo ng biktimang si Jomari Bendicio y Basabe, 26 , sales promoter,  ng No. 1385 B2 Gomez St., Paco Maynila. 

Sa ulat ng Sub-station 3 ng Pasay Police Station, dakong alas 6:15 ng gabi nitong Sabado (Agosto 15) nang arestuhin ang suspek sa entrance gate ng nasabing palengke.

Batay sa reklamo, ang biktima ay pauwi na mula sa mahabang oras ng trabaho at binalikan ang ipinaradang mountain bike nang madatnan ang suspek na kinakalas ang lock gamit ang bolt cutter kaya humingi ng assitance sa nakatalagang security guard.

Inaresto ni SG Eduardo Padilla ang suspek at itinurn-over sa nasabing presinto.Babala ng pulisya ngayong kabilang na ang bisikleta sa laganap na ginagamit bilang transportasyon lalo na ng mga nagtatrabaho, siguraduhin na sa ligtas na lugar ito iiwan upang hindi matangayan kahit pa may nakakabit na bike lock.

BIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with